Ang Japan ay nagmarka ng ika-73 anibersaryo ng pagtatapos ng World War Two ngayong Miyerkules.
Ang government sponsored ceremony ay gaganapin sa Tokyo upang maalaala ang mahigit sa 3.1 milyong Hapones na namatay sa digmaan. Mga 6,000 katao ang inaasahang dadalo.
Ang Punong Ministro na si Shinzo Abe ay magbibigay ng speech. Sa tanghali, magkakaroon ng isang minutong katahimikan.
Ang Emperor at Empress ay dadalo sa serbisyo para sa huling pagkakataon bago ang pagbibitiw ng Emperador sa susunod na taon.
Mga 80 porsiyento ng mga namatayan na kamag-anak na dadalo sa seremonya ay may edad na 70 o mas matanda. Sa 13 na widows, ang pinaka-matanda ay nasa 102. Mahigit sa 120 katao ang nasa ilalim ng edad na 18 ang dadalo sa serbisyo. Ang layunin ay upang magbalik-tanaw at maipaalam ang mga pangyayari at naging resulta ng digmaan sa mga susunod na henerasyon.
Maraming din iba pang mga events na gaganapin sa buong Japan.
Source: NHK World
Join the Conversation