Nangako ang goyerno ng Taiwan na mag-dodonate ng 20 milyon yen ($180,000) upang matulungan ang mga biktima ng baha at landslide sa western, Japan sanhi ng walang tigil na pag-buhos ng ulan nuong mga nakalipas na araw.
Ayos sa statement na ginawa ng Foreign Ministry, “Napag-desisyonan ng pamahalaan ng Taiwan na mag-bigay ng pinansyal na donasyon na nagkaka-halaga ng 20 milyon yen (NT$ 6milyon) para sa disaster relief, upang maipakita sa bansang Japan na lubos ang pag-aalala ng kanilang gobyerno dahil sa pinsalang natamo dahil sa kalamidad na nangyari.”
Ani pa nito, “Umaasa kami na madaling maayos ang mga lugar na nasalanta ng bagyo at muling maka-bangon ang mga taong naninirahan dito.”
Ang kalamidad na nangyari sa Western, Japan ay kumitil ng buhay ng mahigit 120 katao at 80 katao ang hindi pa nakikita. Samantalang, libo-libong istraktura at gusali ang nasira dahil sa pag-baha at landslide na dulot ng matinding pag-ulan.
Sa kabila ng diplomatikong relasyon ng 2 bansa, sinabi ng Ministry na “maganda” at “friendly” ang relasyon Japan sa karatig-lugar na nasa bandang Hilaga ng Taiwan.
Maganda ang naging resulta ng pag-bisita ng bawat bansa na nabanggit, dahil kapag ang isa dito ay nasalanta ng kung ano mang kalamidad, ang kabilang bansa ay palaging handang tumulong.
Nuong nagkaroon ng malakas na lindol at tsunami ang bansang Japan nuong ika-11 ng Marso, ang Taiwan ay nag-bigay ng mahigit 20 bilyong yen na donasyon. Ang Taiwan ang nag-bigay ng pinaka-malaking donasyon para sa relief goods sa Japan.
Taong 1999, nagulantang ang Taiwan ng ito ay nakaranas ng napaka-lakas na lindol. Ang Japan ay agad na nag-dispatched ng isang team upang tumulong sa mga relief goods at nag-bigay rin ito ng pinansyal na donasyon na mahigit NT$1.1 bilyon (US$ 37 milyon).
Sumulat ng mensahe na naka-hapon si Pres. Tsai Ing-Wen sa kanyang Twitter acct. na nag-sasaad na sila ay tutulong sa abot ng kanilang makakaya. Mula sa facebook acct. ni Premier William Lai, pagdarasal niya daw ang Japan. Nag-pakita rin ng simpatiya si Minister Joseph Wu sa pamamagitan ng Japan’s de Facto Embassy sa Taiwan, sa Japan-Taiwan Exchange Association.
Source: The Mainichi
Image: Portal Japan
Join the Conversation