Pinapayuhan ang mga mamamayan sa hilagang Kyushu na pansamantalang lumikas dahil sa bagyo

Bagyong Prapiroon inaasahang lumapag sa prepektura ng Kyushu ngayong araw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Posibleng ruta ng bagyong Prapiroon

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), isang malakas na bagyo na pinangalanan PRAPIROON ay namataang papunta sa Hilagang bahagi ng Kyushu ngayong araw (7/3), nag-bigay ng babala na dapat magsi-likas ang mga naninirahan sa ilang mga lugar, ito rin ay maaaring mag-dulot ng pag-hinto o tigil ng mga bumabyaheng sasakyan.

Kung matatandaan, ang lungsod ng Asakura sa prepektura ng Fukuoka ay nakaranas ng matinding pinsala mula sa torential rains nuong Hulyo taong 2017. Dahil sa takot na maranasan ang hagupit nang nakaraang kalamidad, inirerekomenda ng lokal na pamahalaan na pansamantalang lumikas ang mahigit na 4,337 na mamamayang naninirahan sa nasabing lungsod. Dahil rin sa nabanggit na kalamidad, lahat ng serbisyo ng JR Hitatsu at Kitto Lines ay ipina-hinto pati na rin ang mga byahe ng mga eroplano na palabas ng isla ay ikinansela.

Bandang alas-9 ng umaga ngayong araw, ang ika-7 bagyo na pumasok sa bansa sa taong ito ay namataang 110 km sa timog-kanluran ng Goto, prepektura ng Nagasaki. Ito ay patuloy na umaandar patungo sa hilagang bahagi ng bansa, ito ay tinatantyang mayroong bilis na 20 km kada oras. Ang atmospheric pressure sa mata ng bago ay nasa 960 hectopascal at may kasamang hangin na mayroong lakas na 35 metro kada oras. Ang maximum na lakas ng hangin ay tinatantyang nasa 50 metro kada segundo. Ang hangin na hindi bababa sa 25 metro kada segundo ay humahagupit ng 90 km mula sa mata ng bagyo.

Ang bagyo ay inaasahang dumating sa hilagang Kyushu ngayong tanghali, ito ay tinatantyang mag-tatagal hanggang gabi. Patuloy rin ang pag-andar nito pataas patungo sa hilagang-silangan ng karagatan bago ito tuluyang maging extra-tropical cyclone pag-sapit ng gabi ng ika-4 ng Hulyo.

Ang halaga ng pag-ulan ng mahigit 24 oras hanggang ala-6 ng umaga ng ika-4 ng Hulyo ay tinatantyang aabot sa 350 ml sa prepektura ng Saga at Nagasaki, 300 ml sa prepektura ng Fukuoka samantalang 250 ml naman sa prepektura ng Kumamoto, Oita at Yamaguchi.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund