Pinatawan ng hukuman ng sintensyang habang-buhay na pagkaka-bilanggo ang isang Pilipino na sangkot sa pang-gagahasa at pag-patay sa university student sa Prepektura ng Ibaraki nuong 2004.
Base sa napag-pasyahan ng hukuman ng Distrito ng Mito, si Jerico Mori Lampano, 36 taong gulang, ang di umano’y utak sa pang-hahalay at pag-patay sa 21 anyos na babaeng estudyante ng Ibaraki University matapos makipag-sabwatan sa 2 pang pilipinong lalaki.
Sinabi ng punong hukom na si Judge Yoshihiro Ogasawara, “isang kahindik-hindik at walang-awa” ang ginawang krimen ng mga nasasakdal. Ginilit at sinakal umano ang leeg ng biktima na siyang kumitil sa buhay nito.
Ang sintensyang ipinataw sa suspek ay base sa kagustuhan ng prosekyutor. Samantalang humingi naman ang mga abogado ng nasasakdal na si Lampano nang mababang sintensya o limitadong termino sa bilangguan dahil ito naman daw ay umamin sa ginawang krimen at lubos nang pinag-sisihan ang karumaldumal na ginawa, ito ay matapos na ang suspek ay nagkaroon ng anak na babae.
Ibinasura ng korte ang kahilingan ng kampo ng suspek. Ani ng korte, nararapat umano sa suspek na makulong habang buhay.
Nakipag-sabwatan umano si Lampano sa 2 pang lalaki upang dukutin at isakay sa sasakyan ang estudyante sa bayan ng Ami, Prepektura ng Ibaraki nuong ika-31 ng Enero, taong 2004.
Ginahasa at ginilitan ng leeg ng mga suspek ang biktima bago itinapon sa tabi ng ilog sa bayan ng Miho.
Nang mangyari ang krimen, ang 2 pang lalaki na kasama ni Lampano ay di umano’y menor de edad pa. Ang mga ito ay umalis ng bansa upang umuwi sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang mga ito ay napapa-bilang sa listahan ng international wanted list. Walang kalinawan kung ang mga ito ay mapa-parusahan dahil walang kasunduang ekstradisyon ang bansang Japan at Pilipinas.
Source: Japan Today
Image: The Mainichi
Join the Conversation