Patuloy pa rin ang pag-laganap ng matinding init sa Western at Eastern Japan, ang temperatura ng antas ng init ay nag-tatala sa 39 degrees celsius.
Ayon sa Meteorological Agency, isang malakas na high-pressure system sa isang area ang nagpapa-natiling nagpapa-taas ng temperatura.
Sinabi ng ahensya na pag-sapit ng alas-11:30 nuong Lunes ng umaga, ang temperatura ay nag-tala na ng 39 degrees sa mga Lungsod ng Hachioji sa Tokyo at Kumagaya sa Prepektura ng Saitama. Samantalang 37.9 degrees naman sa Nagoya City at 36.3 sa Central Tokyo.
Inaasahan na mas iinit pa sa pag-sapit ng dapi’t-hapon.
Inaasahan din na aabot sa 39 degrees ang temperatura sa mga Lungsod ng Nagoya, Gifu at Kumagaya sa buong araw. Samantalang 38 degrees naman ang tinatantyang temperatura sa Kyoto. Ang pinaka-mataas na temperatura sa Central Tokyo ay nasa 37 degrees.
Sinabihan ng mga weather officials na maging alerto ang lahat dahil sa mataas na antas ng alerto sa heatstroke.
Pinapa-alalahanan din ang mga mamamayan na naninirahan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad nuong nakaraan, dahil mas mataas ang antas ng pagkaka-roon ng nito ng risk sa heatstroke. Dahil sa stress at hindi normal na kondisyon ng pamumuhay rito.
Join the Conversation