Ilang pabrika ng pagawaan ng auto sa ilang parte ng western, Japan ang pansamantalang ipinatigil ang produksyon dahil sa malakas na ulan nuong nakaraan.
Nagkaroon ng problema sa mga delivery ng piyesa ng mga sasakyan at problema sa pag-pasok ng kanilang mang-gagawa sa kanilang pabrika.
Ilang executives sa Daihatsu ang nagpa-tigil ng opersyon nuong Lunes dahil sa hindi pag-dating ng mga deliver na piyesa sa kanilang mga pabrika sa 4 na prepektura, kabilang dito ang Kyoto at Osaka.
Pansamantala rin ipina-tigil ang produksyon ng ilang linya sa pabrika ng Mazda Motors hanggang Martes sa Hiroshima at Yamaguchi Prefecture.
Nag-aalala umano ang mga opisyales ng kumpanya kung ano ang epekto ng malakas na ulan sa pag-commute ng kanilang mga mang-gagawa papunta sa kanilang pabrika.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation