Mga naiwang pamilya ng mga taong pumanaw dahil sa sobrang pag tatrabaho, hindi ikina-tuwa ang muling pag-babago ng batas.

Pasado sa mga mambabatas ang bagong batas na pinapayagan mag-trabaho ng overtime ang mga mang-gagawa ng walang bayad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga naiwang pamilya ng mga mang-gagawang pumanaw dahil sa sobrang pag-tatrabaho.

Hindi ikinatuwa ng mga nag-luluksang pamilya ng mga mang-gagawang namatay dahil sa sobrang pag-tatrabaho ang pagsang-ayon ng pamahalaan ukol sa bagong batas na ipinasa nuong ika-29 ng Hunyo na nag-sasaad na papayagan ang mga employer na baguhin at tanggalin ang hour caps at overtime payments sa ilang kategorya ng mga mang-gagawa.

“Pakiramdam ko tinapon ako sa impyerno!” ani ni Emiko Teranishi, 69 taong gulang, isa sa mga dumalo sa Plenary Session ng House of Councilors na pumayag sa pina-bagong batas. Hawak-hawak ng ginang ang litrato ng kanyang asawa (49 anyos) na matay umano dahil sa sobrang pagta-trabaho. Galit ang ginang habang pinanunuod ang Liberal Democratic Party Lawmakers at iba pang mga legislators na pag-botohan ang pag-pasa ng binagong batas.

Ang sistema para sa mga highly professional workers ay humaharap sa batikos dahil sa hindi magandang pamama-lakad nito. Walang extrang kabayaran ang ibinibigay para sa pag-tatrabaho nito ng overtime.

Ani ni Teranishi, “Employera lamang ang nakikinabang sa nasabing sistema. Sa bagong batas, ginagawang legal ng pamahalaan na pilitin ang mga nasabing mang-gagawa na mag-trabaho hanggang sa sila ay bawian na ng buhay.” Naaalala niya 4 na taon ang nakararaan na siya ay natuwa dahil sa batas na ginawa upang maiwasan mamatay ang mga mang-gagawa dahil sa sobrang pagta-trabaho. Ngunit kabaliktaran ang kanyang nararamdaman ngayon.

Unang pagkaka-taon ni Yukimi Takahashi, 55 taong gulang, ina ni Matsuri na isang mang-gagawa sa isang advertising agency na Dentsu Inc. na dumalo sa DIET nuong ika-29 ng Hunyo. “Nais ko na masaksihan kung ano ang mang-yayari sa mga katulad ko na nakikipag-laban upang maalis ang sanhi ng mga namamatay dahil sa sobrang pagta-trabaho.” Si Matsuri ay tumalon sa kanyang kamatayan dahil sa sobrang pagta-trabaho sa nasabing kumpanya. Habang pinanunuod ng ginang ang proceedings, pahikbing sinabi ng ginang sa kanyang isip sa  kanyang yumaong anak na “Anak, tignan mo kung ano na ang Japan ngayon.”

Dinagdag naman ni Nakahara, 62 taong gulang, may-bahay ng isang pediatrician na nagpaka-matay, na “Hindi pa tapos ang laban, hindi kami titigil hanggat hindi na reresolba ang problema sa pagka-matay dahil sa sobrang pagta-trabaho”.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund