Ang mga taong nagsi-likas sa mga lugar kung saan nasalanta ng napaka -lakas na pag-ulan sa western, Japan ay hini-himok na mag-ingat upang hindi magkaroon ng Heatstroke at pagka-lason sa mga pagkain dahil sa patuloy na pag-init ng panahon.
Ayon sa Meteorological Agency, ang temperatura ay inaasahang patuloy na tataas pa sa 30 degree celsius sa karamihang bahagi ng bansa mula Miyerkules.
Ang temperatura ay aasahan pang tumaas at lalagpas ng 35 degree sa tanghali sa mga susunod na mga araw.
Sabi ng Weather officials ang mga evacuees at mga taong tumutulong sa rescue operations at recovery operations ay kailangan na laging hydrated upang maka-iwas sa heatstroke.
Pinapayuhan din ang mga mamamayan na maging alerto sa mga biglaang landslide at pag-baha, ito ay dahil pina-lambot ng malakas na ulan ang ilang mga lupa sa kabindukan at may mga bagay na naka-harang sa ilog.
Nag-bigay naman ng babala ang Consumer Affairs Agency tungkol sa food poisoning, dahil ilang mga tao ang sumama ang pakiramdam matapos maka-kain ng rasyong pagkain mula sa shelter.
Sinabi rin ng ahensya na hugasan ng mabuti ang mga kamay ng mga volunteer at mga mamamayan kapag nag-hahanda at mag-didistribute ng pagkain. Dapat din na bagong luto at fresh ang pagkain inihahain sa mga evacuees.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation