Nagkaroon ng pinsala ang isang parte ng Stone Wall na isang UNESCO World Heritage Site sa Okinawa, Japan dahil sa bagyo.
Nuong Lunes, nakita ng mga opisyales ng Lupon ng Edukasyon ng Nakijin Village sa prepektura ng Okinawa ang pinsalang tinamo ng labi ng Nakijin Castle.
Ani ng mga opisyales, ang sekyon na mayroong 9.7 metro ang lapad at 6.4 metro ang taas na dingding ay gumuho malapit sa pinaka-mataas na bahagi ng naturang lugar. Nag-bagsakan ang mga putok at bato na may 20 metro pa-ibaba.
Ang kastilyo ay nag-silbing tahanan ng mga mandirigma nuong 14th at 15th century. Ang mga dingding at haligi nito ay itinayo sa tabi ng natural landformation at sa ngayon ito ay may habang 1,500 na metro.
Nais ayusin ng mga opisyales ng Nakijin ang napinsalang bahagi ng labi ng kastilyo ngunit bago pa man, sila muna ay makikipag-ugnayan sa National at Prefectural Authorities.
Sabi ng isang senior official, siya ay nabigla nang makita ang pinsalang natamo ng lugar. Ipinaliwanag niya na nuong mga nakalipas na mga bagyo, ang nasabing dingding ay palagi rin napipinsala ngunit hindi katulad ng sa ngayon. Saad pa nito, sisikapin ng mga opisyales na ito ay ma-ayos sa lalong madaling panahon.
Source: NHK World
Image: Asahi.com
Join the Conversation