Isang Pilipino na taga-Tokyo ang naaresto sa tangkang pagpatay sa kanyang kasintahan

Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa kanyang kamay at paa at kasalukuyang ginagamot sa hospital at ligtas na sa anumang panganib. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ang isang lalaking Pilipino ng Metropolitan Police Department dahil sa pananaksak sa kamay at paa ng isang babae sa loob ng isang apartment sa Hamura, Tokyo, at tangka nitong pagpatay sa biktima.

Image: TBS News

Si Okuzumi Alex Montefalcon (30), di tukoy ang trabaho, ay inaresto sa hinalang attempted murder. Pumunta umano ang suspect sa apartment ng biktima at bigla nalang nitong pinagsasaksak ang babae (26) na karelasyon niya sa Hamura City ng bandang 10:20 pm noong Hulyo 9 at tinangka nitong patayin ang biktima.

Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa kanyang kamay at paa at kasalukuyang ginagamot sa hospital at ligtas na sa anumang panganib.

Iniulat na si Okuzumi mismo ang tumawag sa 110 upang i-report ang krimen at inamin naman nito ang kanyang ginawa noong siya ay nasa interrogation, “ako ang sumaksak sa kanya” sabi niya sa mga police.

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Metropolitan Police Department kung ano ang puno’t dulo ng pinagmulan ng alitan sa pagitan ng magkasintahan.

Source: TBS News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund