Isang babae ang hinatulan ng 2-taong pagkaka-bilango dahil sa pagsira ng 54 violin ng dating asawa

Ang dating mag-asawa, na ang finalization ng divorce noong 2016, ay nasa gitna ng divorce proceeding nang maganap ang insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NAGOYA (Kyodo) – Ang dating asawa ng isang dating violin maker ay sinentensiyahan ng Japanese court ng dalawang taon sa bilangguan noong Huwebes dahil sa pagsira sa bahay at  54 na violin at 70 na bows ng kanyang ex-husband.

Image: Kyodo

Si Qin Yue, isang 35-taong-gulang na Chinese, ay pumasok sa bahay ng kanyang dating asawa sa city ng Nagoya noong 2014 at sinira ang kanyang mga violin at bows na nagkakahalaga ng 15.6 million yen ($ 138,000), ayon sa Nagoya District Court.

Sa pagbibigay ng desisyon, sinabi ni Presiding Judge Satoko Shotokuji na inamin ni Qin ang pag-vandalize sa dingding at inilarawan ang aksyon ng pagsira sa mga violin bilang gawain ng isang taong may matinding galit.

Ang dating mag-asawa, na ang finalization ng divorce noong 2016, ay nasa gitna ng divorce proceeding nang maganap ang insidente.

Noong una ay hindi inamin ni Qin ang alegasyon, sinasabi niya na hindi niya sinira ang lahat ng mga violin at bows, ngunit na dismiss ng district court ang kanyang claim.

Ang mga prosecutors ay humingi ng tatlong-taong pagkabilanggo. Ang defence team naman ni Qin ay nag-apela sa desisyon ng korte sa parehong araw.

Source: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund