YOKOHAMA – Isang dating nurse ang umano’y pumatay sa kanyang mga pasyente sa pamamagitan ng pag-inject ng disinfectant sa kanilang katawan sa pamamagitan ng paglagay ng chemical sa intravenous drip bag ng mga pasyente na nagsanhi ng pagkamatay ng isa pang pasyente na sa ibang pagkakataon habang siya ay nasa night shift, ayon sa Mainichi Shimbun.
Nagsimula ang imbestigasyon ng Kanagawa Prefectural Police noong Hulyo 12 at inaresto si Ayumi Kuboki, 31, sa bintang ng pagpatay kay Sozo Nishikawa, 88, noong Setyembre 2016 sa Oguchi Hospital (kasalukuyang Yokohama Hajime Hospital).
Ayon sa sources, ang kondisyon ni Nishikawa ay nagsimulang lumala bandang 04:50 ng Setyembre 18, 2016, at namatay siya pagkatapos ng dalawang oras. Si Kuboki ay nakitang pumasok sa kwarto ni Nishikawa limang minuto bago lumala ang kalagayan ng pasyente at dito pinaghihinalaang tinurok nya ang disinfectant sa intravenous drip tube ni Nishikawa. Sinadya umano ni Kuboki na palalain ang kondisyon ng pasyente bago magsimula ang kanyang night shift 5pm sa araw na iyon.
Si Kuboki ay pinaghihinalaang din na naglagay ng parehong kemikal sa intravenous drip bag ni Nobuo Yamaki, 88, sa panahon ng kanyang night shift ng Septiyembre 18. Si Yamaki ay nasa parehong kuwartong kasama si Nishikawa sa ika-apat na palapag ng ospital.
Marahil ay alam umano ni Kuboki na makakatanggap si Yamaki ng intravenous drip sa kanyang shift dahil nakasulat sa drip bag ang pangalan ng pasyente at petsa kung kailan i-inject ito. Ang disinfectant ay walang kulay at walang amoy, at ito ay mahirap na ma-detect.
Si Yamaki ay nakatanggap ng isang sariwang intravenous drip bag bandang alas-10 ng gabi noong Septiyembre 19 at namatay ng 4:55 ng umaga noong Septiyembre 20, dalawang araw matapos mamatay si Nishikawa. Ang chemical disinfectant ay natuklasan sa drip bag ni Yamaki.
Ang Septiyembre 17 hanggang 19 ay tatlong-araw na holiday, at ang mga intravenous drup bag para mga tatlong araw ay dinala sa ospital noong Set 17. May drip 50 bags na naka-imbak sa nurse station, ang pito sa drip bag ay natagpuang naglalaman ng disinfectant. ang bawat isa sa mga bags ay nagkaroon ng isang maliit na butas ng karayom sa rubber cap.
Samantala, inamin ni Kuboki sa pulis na nag inject siya ng disinfectant sa ikatlong pasyente na nasa kanyang 70s na namatay ng parehong oras sa kanyang dalawang biktima.
Sa isang police autopsy nakita ang surface-activate agent sa katawan ng ika-apat na pasyente na nasa kanyang 80s na namatay noong Setyembre 18, 2016, sa parehong araw na namatay si Nishikawa. Ang apat na mga pasyente ay nasa ikaapat na palapag ng ward ng ospital para sa terminally ill na mga pasyente kung saan naka-assign si Kuboki.
Source: The Mainichi
Join the Conversation