OSAKA
Inaresto ng pulisya ng Sakai, Osaka Prefecture ang isang 40-taong-gulang na lalaki sa kasong suspicion of reckless driving resulting in death matapos na sindyang bungguin ang isang motorsiklo sa isang highway, na naging sanhi ng pagtilapon ng rider mula sa kanyang motorsiklo. Ang motorbike rider, isang 22-anyos na university student, ay namatay dahil sa kanyang natamong mga sugat.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa paligid ng 7:30 p.m. noong Hulyo 2, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na ang drive recorder sa kotse ni Akihiro Nakamura, na nagtatrabaho bilang security guard, ay nagpakita ba siya ay nag tailgating sa isang motorsiklista na si Takumi Takada ng isang kilometro bago niya binangga ang motorsiklo.
Si Takada ay dumanas ng matinding pagkabagok sa ulo at dinala sa ospital kung saan siya ay nakumpirmang patay.
Si Nakamura ay patuloy na nagpatakbo ng kanyang sasakyan matapos mangbangga ngunit bumalik din ito sa pinangyarihan. Inamin niya sa pulisya na binangga niya ito dahil nag-overtake sa kanya ang motorsiklo ngunit mahigpit niyang itinanggi na may intensyon siyang patayin ito.
Source: Japan Today
Join the Conversation