Nakumpleto na ng mga divers ang 3-araw na operasyon upang iligtas ang 13 na tao mula sa isang gumuhong kuweba sa hilagang Thailand.
Ang isang team ng Thai navy at mga banyagang divers ay nagdala ng huling 5 sa labas ng cave sa lalawigan ng Chiang Rai noong Martes gabi.
Ang 12 na batang lakaki at ang kanilang soccer coach na na-stranded noong Hunyo 23 ay mananatili sa ospital ng ilang oras upang maka-recover. Susuriin ng mga medical staff kung naka-contract sila ng anumang mga nakakahawang sakit.
Sinabi ng isang senior official ng health ministry sa mga reporters noong Martes na ang 8 na lalaki na naligtas noon Linggo at Lunes ay pagod na pagod pa ngunit kaya na nilang kumain at makipag-usap, at ang ilan ay humihingi pa ng chocolate.
Idinagdag ng opisyal na 2 sa kanila ang may sintomas ng pneumonia, at binigyan sila ng antibiotics.
Ang mga lalaki ay na-quarantine habang sinusuri sila para sa mga impeksiyon. Ang apat na lalaki na naligtas noong Linggo ay nakita na ng kanilang mga pamilya sa isang glass barrier noong Lunes.
Ang hepe ng rescue operation ay nagsabi na ang team ay nakagawa ng isang misyon na maaaring pinaka-unang uri nito sa mundo.
Nagpahayag siya ng pasasalamat para sa suporta ng 400 hanggang 500 na organisasyon sa Thailand at iba pang mga bansa.
Sinabi niya na ang mga opisyal ay magtuturo sa mga bata tungkol sa mga panganib ng pagpasok ng mga kuweba sa panahon ng tag-ulan upang maiwasan na maulit ang insidente.
Ang rescue team ay nagnanais na magsagawa ng isang news conference sa Miyerkules kasama ang militar at pulisya upang magbigay ng mga detalye ng misyon.
Source: NHK World
Join the Conversation