Ang AUM Shinrikyo cult founder na si Asahara at 6 na ex-followers nitong nahatulan ng death penalty, sabay-sabay na na-execute

Noong nagsimula ang trial sa Tokyo District Court noong 1996, iginiit ni Asahara na siya ay inosente at ang kanyang mga disciples ay ang kusang nagsagawa ng mga krimen. Subalit siya ay hinatulan ng death penalty noong 2004.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO — Ang AUM Shinrikyo cult founder na si Shoko Asahara, 63, na nag orchestrate ng 1995 Tokyo subway sarin gas attack atiba pang mga murders at ang 6 na former members ng cult ay na-executed noong umaga ng Julyo 6, inanunsyo ng Ministry of Justice.

&nbspAng AUM Shinrikyo cult founder na si Asahara at 6 na ex-followers nitong nahatulan ng death penalty, sabay-sabay na na-execute

&nbspAng AUM Shinrikyo cult founder na si Asahara at 6 na ex-followers nitong nahatulan ng death penalty, sabay-sabay na na-execute

Si Kiyohide Hayakawa, 68, sa Fukuoka Detention Center; si Yoshihiro Inoue, 48, at Tomomitsu Niimi, 54, sa Osaka Detention Center; si Masami Tsuchiya, 53, sa Tokyo Detention Center; si Tomomasa Nakagawa, 55, sa Hiroshima Detention Center; at si Seiichi Endo, 58, sa Tokyo Detention Center. Ang death sentences ay ipinataw sa anim noong 2009 at 2011.

Ang kasalukuyang executions ay linagdaan ni Minister of Justice Yoko Kamikawa at may total na 10, ang pitong nasa deathrow inmates na sabay-sabay na in-execute ay ang pinakamataas na bilang na execution sa isang araw simula nang ipatupad ang death penalty sa Japan noong 1993.

Si Asahara ay ipinanganak sa Yatsushiro, Kumamoto Prefecture, noong 1955, at tinatag ang predecessor ng AUM Shinrikyo na “AUM Shinsen no Kai” noong 1984. Ang organisasyon ay naka-attract ng mga followers sa pamamagitan ng yoga at meditation classes nagbibigay umano ng mga special abilities sa mga practitioner. Noong 1987, binago ng organisasyon ang kanilang pangalan sa AUM Shinrikyo at naging isang incorporated religious body noong 1989.

Noong 1990, si Asahara mismo at iba pang followers ay tumakbo ng candidacy sa House of Representatives, ngunit wala sa kanila ang nagtagumpay na ma-elect sa office. Nagsimula ang mga probema sa mga miyembro ng kulto at nagsimulang kumalas ang iba at mga mamahaling bayarin sa mga “offerings,” ay umani ng batikos galing sa publiko.

Pagkatapos ng 1995 sarin gas attack sa Tokyo subway system, nagsagawa ng raid ang Metropolitan Police Department sa pasilidad ng kulto sa village ng Kamikuishiki sa Yamanashi Prefecture, inaresto si Asahara at iba pang cult leaders at pinatawan ng sentensya si Asahara ng murder at iba pang charges sa 17 cases. Upang mapabilis ang proceedings, tinanggal ang mga malilit na charges laban kay Asahara at ang 13 cases kasama na ang 1989 murder ng anti-cult lawyer Tsutsumi Sakamoto at ang kanyang pamilya, at ang 1994 sarin gas attack sa Matsumoto, Nagano Prefecture ng central Japan, na nakapatay ng 8 katao. Sa kabuuan may 29 katao ang namatay (27 ay nakumpirma ng korte na mga biktima) at mahigit 6,500 katao ang nasugatan.

Noong nagsimula ang trial sa Tokyo District Court noong 1996, iginiit ni Asahara na siya ay inosente at ang kanyang mga disciples ay ang kusang nagsagawa ng mga krimen. Subalit siya ay hinatulan ng death penalty noong 2004.

Isang total na 13 former members ang sinentensyahan din ng death penalty para sa kanilang involvement sa pagkamatay ng Sakamoto family at dalawang sarin gas attacks at iba pang krimen. Bukod pa dito, 6 ang hinatulan ng life sentences, 81 ay prison time, 87 ay suspended sentences at 3 ay pinagbayad ng fine at 2 miyembro ay napawalang sala.

Source: Mainichi.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund