Sinabi ng Chinese IT company na Baidu na nakipag-team up sila sa isang subsidiary ng Japanese telecom giant na Softbank Group upang ma-plano ang test sa self-driving buses. Ayon sa Japanese government officials, ang Baidu ang magiging kauna-unahang Chinese business na magsasagawa ng ganitong trial in Japan.
Ang Baidu at Softbank-owned SB Drive ay nagsabi na magte-test ng 10 driverless mini-buses hanggang sa katapusan ng Marso ng susunod na taon.
Sila ay may plano na i-develop ang technology upang maiayon sa Japanese roads, kasama na ang city streets at mountainous areas. Parte ng trial ay iche-check nila kung gaano kaligtas ang mga pasahero tuwing sasakay at bababa ng bus.
Ang test at nasa ilalim ng isang Baidu umbrella project na tinatawag na, “Apollo.” Ang kumpanya ay naglalayong makipag joint venture sa development kasama ang mga auto at semiconductor makers, gayun din sa mga IT-related companies.
Source: NHK World
Join the Conversation