TOKYO
Hindi bababa sa siyam na katao ang namatay at 28 ang nasugatan noong Linggo sa mga aksidente habang naglilibang sa mga leisure activities sa dagat at bundok sa buong Japan, ayon sa isang tala ng Kyodo News.
Maraming mga tao ang nagpunta sa mga outdoors na libangan at dinagsa ng maraming tao ang mga amusement facilities upang mairaos ang simula ng summer vacation sa mga paaralan ng bansa mula noong katapusan ng linggo na ito.
Kabilang sa mga nakamamatay na aksidente, isang 16-taong-gulang na estudyante sa mataas na paaralan ang nalunod sa isang beach sa gitnang Japan sa siyudad ng Takahama. Sa Yamanashi Prefecture, isang hiker na 70-taong-gulang na lalaki mula sa Tokyo, ang natagpuang wala ng buhay sa isang trail ng bundok
Ang heatwave ay patuloy na kumapit sa malawak na lugar ng bansa na may temperatura na umaabot sa 39 C sa ilang mga lungsod sa gitnang Japan. Ang Central Tokyo ay nagtala ng pinakamataas na temperatura ngayong taon ng 35.6 C noong Linggo, ayon sa Japan Meteorological Agency.
Source: Japan Today
Join the Conversation