8 Katao ang napinsala habang ilang kabahayan ang nilipad ang bubong dahil sa ipo-ipo sa Shiga Prefecture

Ipo-ipo sa Shiga, 8 katao napinsala habang dose-dosenang bahay ang nawalan ng bubungan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ipo-ipo sa Shiga Prefecture nuong Biyernes.

Isang ipo-ipo ang tumama sa prepektura ng Shiga nuong Biyernes, ito ay naging sanhi ng pinsala sa 8 katao, pagka-sira ng ilang kabahayan at pag-tumba ng ilang power pole na nag-sanhi ng pagka-wala ng kuryente ng daang-daang kabahayan sa nasabing siyudad.

Ayon sa lokal na pahalaan, ang malakas na hangin ay nag-dulot ng pinsala sa mahigit na 85 na gusali, mga sasakyan at pagka-sira ng ilang utility poles sa lungsod ng Maibara. Hindi naman matindi ang natamong pinsala ng mga nabanggit.

Sinabi ng Japan Meteorogical Agency na ang dahilan ng pinsala nuong biyernes ng gabi ay isang ipo-ipo, base ito sa mga pahayag ng mga naka-kita at sa kalagayan ng panahon nuong oras na iyun.

“Nakita namin ang pag-buo ng isang ipo-ipo sa school grounds ng aming paaralan, ito ay mayroong hugis na nakapa-baliktad na cone na tinatantyang mayroong 30 metro ang taas.” pahayag ni Atsushi Watanabe, isang opisyal sa Ibuki High School.

Ayon pa kay Tomoko Yano, isa pang witness na naka-tira malapit sa paaralan, “Hindi ko maisara ang aking bintana dahil sa lakas ng hangin. Nakaka-takot makita ang mga ibon na nahuhulog at mga nagliliparang mga bagay. ”

Mayroon din na nag-sabi na, ” Sa sobrang lakas ng hangin, nilipad nito ang aking bubungan.”

Pansamantalang ipina-tigil ang operasyon ng Tokaido Shinkansen Bullet Train Services sa nabanggit na lugar nuong oras na iyun.

Source: Japan Today

Image: Dailymotion

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund