5-taong working visa ng Japan maibibigay na din sa manufacturing

Ang bagong programa ay itinakda upang malutas ang kakulangan sa manggagawa sa larangan ng manufacturing na gumagawa ng mga parts sa mga automakers at iba pang mga mainstay na industriya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Ang bagong programa ng residency sa Japan para sa mga manggagawa galing sa ibang bansa ay mapapalawak na at magiging isang susi upang malutas ang kakulangan sa manggagawa sa larangan ng manufacturing na gumagawa ng mga parts sa mga automakers at iba pang mga mainstay na industriya.

Image: Asian Nikkei Review

Ang cabinet ay inendorso noong nakaraang buwan ang isang iminungkahing programa ng visa na hayaan ang mga dayuhan na manatili sa Japan hanggang sa limang taon pagkatapos makapasa sa isang pagsusulit. Ang plano ay orihinal na nakatuon sa limang industrya na may malubhang kakulangan sa manggagawa: construction, agriculture, nursing, shipbuilding and hospitality.

Gayunpaman, matapos maisatupad ang pagbabagong ito, ang mga pangkat ng industriya na kumakatawan sa sektor ng manufacture ay lumapit sa Liberal Democratic Party at mga kaugnay na ministry ng pamahalaan upang mas palawakin ang programa dahil sa malubhang kakulangan sa manggagawa. Ang pamahalaan ay sumang-ayon na payagan ang mga manggagawa sa labas ng orihinal na limang sektor, sa kondisyon na matapos nila ang tatlo hanggang limang taon ng training na may mataas na marka at maaaring maging isang agarang asset sa kumpanya.

Ang mga sector na inaasahan na maidagdag ay ang food manufacturing, casting at metal stamping. Ang mga nonmanufacturing sector na  fishing ay isasali din.

Ang centerpiece ng plano na iyon ay upang mag-alok ng training sa wikang Hapones sa mga manggagawa bago pumasok sa bansa. Magsasagawa din ng mga hakbang upang matiyak na ang mga manggagawa ay hindi ilegal na lumampas sa higit sa limang taon.

Source: Asia Nikkei Review

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund