5 katao patay, habang 40 katao ang sugatan matapos magka-sunog sa isang construction site sa Tokyo

5 patay, 40 sugatan mula sa sunog sa Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang larawan ay kuha ng Kyodo News Helicopter nuong Huwebes sa Tokyo.

5 katao ang binawian ng buhay at 40 katao naman ang sugatan nuong Huwebes matapos masunog at balutin ng makapal at maitim na usok ang isang construction site sa Tokyo.

Ang 1 sa 5 namatay ay binawian ng buhay dahil hindi na ito naka-labas ng basement ng gusaling pinag-tatrabahuhan nito. Ayon sa Tokyo Fire Department, 30 katao sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kundisyon.

Mahigit na 320 mang-gagawa ang nasa loob ng 7 palapag na gusali. Ang istraktura ng gusali ay mayroong 3 palapag sa itaas at 4 na palapag sa basement. Ayon sa mga pulis, na tilamsikan umano ng apoy mula sa instrumentong pang-putol ng steel frame ang mga insulation material sa ikatlong palapag sa basement na siyang naging sanhi ng sunog sa construction site.

Naka-tanggap ng tawag ang mga bumbero bandang ala-1:50 ng hapon nuong Huwebes. Mula sa 17,500 square meter na kabuoang espasyo ng gusali, mahigit 5,000 square meter ang natupok ng apoy. Umabot ng mahigit 6 na oras bago pa tuluyang napatay ang apoy sa nasabing gusali.

Ayon sa Hazama Ando Corp. Project manager, sinimulan ipa-ayos ang gusali nuong Oktubre ng taong 2016 at naka-schedule matapos ngayong buwan ng Septyembre.

Isinalaysay ng mga naka-ligtas na mang-gagawa kung gaano sila katakot ng mabalot sila ng makapal na itim na usok.

Ang 20 anyos na lalaki na nuo’y nagta-trabaho sa ikalawang palapag ng basement ay nalaman lamang ang pang-yayari matapos maka-tanggap ng tawag mula sa kanya boss. Agad naman siyang tumakbo kahit na hindi niya alam kung saan ang labasan.

“Marami akong nadaanan na dead-end, laking pasasalamat ko at ako ay naka-ligtas.” ani ng lalaki.

Samantalang isang 26 anyos na electrical engineer naman ang naka-ligtas mula sa ikatlong palapag ng basement ang nag sabi na pinakinggan ko lamang ang mga boses ng kanyang mga katrabaho dahil hindi na sila maka-kita dahil sa makapal na usok.

Naririnig naman ng isa pang 26 anyos na lalaki ang mga katrabahong nang-hihingi ng saklolo mula sa scaffolding area ng gusali.

Sa Tokyo, tinatantyang mahigit sa 100 hanggang 200 na insidente ng sunog ang nangyayari sa mga consttuction sites taon-taon. Ayon sa Fire Department, ang kadalasang sanhi ng sunog ay welding, melt-cutting work, sigarilyo at arson.

Ang sanhi ng pagka-sunog ng gusali sa Tokyo nuong Huwebes ay ang Acetylene Gas Torches na pang-putol ng mga steel frames. Ang tilamsik mula sa nasabing kagamitan ay nadikit sa isang materyal na gawa sa Urethane.

Ang Urethane ay kadalasang ginagamit bilang insulation material sa kabahayan at mga gusali.

Source: Japan Today

Image: Kyodo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund