Minarkahan na ng Tokyo ang countdown para sa 2020 Olympics. Nahaharap ang mga organizers sa maraming gawain, kabilang na dito ang pag-gawa ng hakbang upang harapin ang init at halumigmig na dala ng panahon.
Ang 2020 Olympics ay naka-takdang opisyal na mag-bukas sa ika-24 ng Hulyo hanggang ika-9 ng Agosto. Ito ay nag-tatala ng 339 na palaro sa 33 sports sa loob ng 17 araw.
Isang isedyul ng events ang napag-desisyonan ngayong buwan. Ang komite ng Japan Organization at pamahalaan ng Tokyo at Japan ay mag-sisimula nang gumawa ng konkretong pag-hahanda para aa nasabing palaro.
Ang mga opisyal ay pinag-aaralan ang mga paraan upang matugunan ang daloy ng trapiko, upang makarating ng maayos ang mga manlalaro at manunuod. Tatalakayin din nila ang seguridad kabilang ng mga hakbang laban sa terorismo.
Dapat huwag mag-patalo sa init ng panahon upang maging matagumpay ang palarong olimpiko. Nagee-recruit at nag-sasanay ng mga boluntaryo ang nasabing mga organizer. Inaasahan nito na maka-likom sila ng higit pa sa 110,000 katao.
Sa Septyembre gaganapin ang unang test event sa isang olympic venue na gaganapin sa Enoshima.
Isang international sailing competition ang magaganap sa isang maliit na isla malapit sa Tokyo.
Bilang host nation, hinahangad din ng bansang Japan na maka-sungkit ng mga medalya sa mga palaro. Target ng Japanese Olympic Committee na makuha ang ikatlong hintong medalya sa pangka-lahatang laro sa pamamagitan ng pag-papanalo sa 30 events. Ang Japan ay nanalo ng 12 na gintong medalya nuong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.
Ang mga atletang hapones ay nagpapa-kita ng kahusayan sa larong Judo, women’s wrestling, gymnastics at swimming. Mataas rin ang posibilidad na maka-sungkit ng medalya sa palarong tabletennis at badminton ang nasabing bansa.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation