2 patay at 5 ang nawawala dahil sa malakas na pag-buhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

Patuloy pa rin ang pag-buhos ng malakas na ulan sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Gumuho ang two-way road sa Iizuka, Fukuoka Prefecture dahil sa lakas ng pag-buhos ng ulan nitong ika-6 ng Hulyo, 2018

Patuloy pa rin amg pag-buhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, kung saan ito ay nag-resulta sa pagkamatay ng 2 katao at pagka-wala ng 5 katao. Ito ay dahil sa landslide at pag lakas ng agos ng mga ilog sa western prefecture ng Japan.

Ang Japan Meteorological Agency ay nag-sabi na patuloy na bubuhos ang malakas na pag-ulan hanggang sa araw ng Linggo at ito ay maaaring mag-dulot ng iba pang mga landslide at pag-kikidlat.

Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, sinabihan na magsi-likas na ang tinatantyang mahigit sa 170,000 katao sa 9 na prepektura sa Kansai at iba pang rehiyon. Kasama na rin dito ang lugar na naapektohan ng malakas na lindol  nuong nakaraang buwan sa prepektura ng Osaka.

Isang lalaki ang kinumpirmang patay matapos matagpuan sa ilog sa Hiroshima Prefecture bandang alas-6 ng umaga ang katawan ni Kazuhiro Miyane 59 anyos. Ayon sa mga pulis, ito ay pinag-hihinalaang inagos ng ilog sa lugar na malapit sa kanyang tahanan.

Isang landslide naman ang nangyari sa ilang lugar sa Fukuoka Prefecture na sumira sa ilang mga kabahayan rito bamdang alas-7:30 ng umaga. 6 na katao ang nailigtas sa site, ayon sa ilang rescuer, kinukumpirma nila kung totoo na mayroong mag-asawang nasa 60 anyos ang edad ang nalibing ng buhay mula sa naturang pag-guho ng lupa.

Ang southwestern Japan prefecture ay humingi ng tulong sa Ground Self-Defense Force upang umasiste sa pamamahagi ng mga disaster relief.

Isang ginang na nasa edad 50 anyos  ay nawawalasa Kyoto Prefecture. Ito ay umalis sa kanyang tahanan, at bandang alas-2:40 ng umaga nakita ang kotse ng ginang sa rumaragasang ilog. Pinag-hihinalaan na ang ginang ay isa sa biktimang  nakumpirmang patay.

Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshide Suga na ” Nais ko na lumikas ang mga tao sa lalong madaling panahon at ma-siguro ang kanilang kaligtasan. ”

Isa naman kalsada malapit sa tulay sa Arashiyama, isang tourist spot sa Kyoto ang hindi na madaanan dahil sa pag-agos ng tubig na nag-mula sa umapaw na ilog.

Isang 69 anyos na ginang sa Osaka ang nag-sabi na “Nakita ko na ang Kamo River sa mahigit na 30 taon ngunit ngayon ko lamang nakita na ito ay umapaw at halos hindi na makita ang daan sa gilid nito. Nakaka-takot!!”

Tumigil sa opersayon ang Sanyo Shinkansen Bullet Train nuong gabi ng huwebes dahil sa lakas ng ukan at posibleng pag-guho ng lupa na maging sanhi sa pag-kakaroon ng putik sa riles ng tren. Ang West Japan Railways Co. ay nag-resume ng kanilang operasyon kina-umagahan ng Biyernes.

Maraming mamamayan ang na istranded sa mga train station at nag-abang ng taxi dahil sa dai ng ikinanselang byahe, sanhi ng malakas na ulan. Ang ibang Shinkansen Bullet Trainay nag-silbing pansamantalang hotel para sa mga pasaherong kailangan manatili at magpa-lipas ng gabi, mahigit 420 pasahero ang gumawa nito.

Ang kondisyon ng atmosphere ay nagiging unstable na panahon dahil pag-hahalo ng init at basang hangin. Ito ay maaaring mag-sanhi ng gusts at ipo-ipo, ayon sa ahensya.

Nag-bigay ito ng babala na maaaring bumuhos ng ulan nang haggang 80 mm kada oras na may kasama pang pag-kidlat sa araw ng Sabado. Sa 24 oras ba pag-buhos ng ulan mula sa hapon ng Sabado, ito ay maaaring mag-dala ng 400 mm ng ulan sa Shikoku region at 300 mm ng ulan sa Central at Southwestern region at 250 mm ng ulan sa Eastern at Western region.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund