Sa Linggo, ika-29 ng Hulyo, mahigit 1,600 na Yosakoi dancer ang mag-tatanghal sa lansangan ng Lungsod ng Hino sa Tokyo, Japan upang ipagdiwang ang ika-18 taon ng Hino Yosakoi Festival.
Ang Yosakoi dance ay isang uri ng sayaw ng pinag-halong modernong tugtugin at makukulay na tradisyonal na kasuotan ng mga hapon tuwing pyesta. Tinuturing na espesyal ang pag-sayaw sa Hino Yosakai Festival dahil hindi ito ginagawa sa stage o float katulad ng pang-karaniwang ginagawa sa mga pyesta. Ang sayaw ay nilikha na pasulong, ani mo’y nag-lalakad na parada. An estilong ito ay tinatawag na “Nagashi Odori” o “Flowing Dance”.
ang parade ay magpapa-kita ng nakaka-indak na pag-sasayaw na kinabibilagan mg 49 Yosakoi Teams. Alinsunod sa tema ngayong taon na “Panibagong taon, panibagong magandang kwento sa tag-init.”
Ang parada ay naka-iskedyul na dumaan sa pangunahing kalsada sa Northern at Southern Exit ng Toyoda station. Bandang alas-11:30 ng umaga sisimulan ang parada sa bahaging kanluran ng lungsod at sa hapon naman sa Silangang bahagi. Matatapos ang parada bandang alas-4:40 ng hapon sa kalurang bahagi ng lungsod at alas-5:25 naman ng hapon sa dakong silangan ng lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon at mga litrato, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang twitter (#hinoyosaiko2018)
Join the Conversation