Isang dating oil tanker, ang ngayon ay nag-rarango bilang isa sa pinaka-malaking floating hospital sa buong mundo ay dumaong sa Pier ng Tokyo nuong ika-15 ng Hunyo.
Ang U.S Naval Hospital Ship Mercy na dumaong sa Oi Marine Products Wharf sa Ota Ward ng Tokyo ay mayroong mahigit 1,000 higaan, 12 operating theaters, isang Intensive Care Unit at CT Scanning equipment.
Ang pangunahing misyon nito ay makapag-bigay ng medikal na pangangalaga sa mga combat troops na nag-tamo ng pinsala sa labanan. Ang nasabing barko ay ipinadala sa Persian Gulf nuong 1990, bago pa man sumiklab ang Military Combat sa Iraq.
May kakayahan itong nag-lulan ng maximum ng 1,300 katao kabilang ang mga medical personnel.
Inimbitahan ng pamahalaan ng Japan ang Mercy upang mas mapa-husay ang kanilang pag-uunawa sa pag-bibigay ng tamang emergency medical care sa panahon ng kalamidad.
Ang Mercy ay may sukat na 272 metro mula Stern hanggang Bow. Ito ay nag-titimbang ng mahigit na 69,360 tonelada kapag fully load.
Mula sa pagiging oil tanker, ito ay ibinigay ng U.S Navy upang gawing hospital ship nuong 1986. Ang nasabing barko ay kabilang sa Joint training exercise kasama ang Maritime Self-defense Force nuong ika-14 ng Hunyo sa Yokosuka Naval Base sa prepektura ng Kanagawa.
Ang pag-sasanay ay ginawa upang gayahin ang pag-sasakay ng mga taong nag-tamo ng pinsala upang suma-ilalim sa Emergency Medical Treatment, matapos ang isang kalamidad.
Ilang mga lokal na residente na nabunot sa lottery ay mabi-bigyan ng pagkaka-taon na makita ng personal ang barko, sa ika-16 ng Hunyo.
Source and Image: The Asahi News
Join the Conversation