Simula sa katapusan ng linggo, ang mga pasahero sa kanluran ng Japan ay magkakaroon ng pagkakataon na sumakay sa isang partikular na uri ng estilo.
Ang isang Hello Kitty bullet train ay magsisimula ng araw-araw na serbisyo simula ngayong Sabado sa pagitan ng mga lungsod ng Osaka at Fukuoka, iniulat ng Japan Times. Ang pink-and-white train ay tatakbo sa loob ng tatlong buwan “na may layuning i-revitalize ang regional communities sa western Japan,” ayon sa operator ng West Japan Railway Co. [JR West], na naglabas ng train sa media noong Lunes.
Ang mga pasahero at tagahanga ng lovely character ay hindi lamang makaka-enjoy sa mabilis na serbisyo, ngunit isang buong karanasan ng Hello Kitty, kabilang ang pagbili ng mga ticket sa isang dedikadong website. Ang train mismo ay may dekorasyon sa loob-at-labas na may mga larawan ni Hello Kitty at ang kanyang iconic hair bow, mula sa exteriors ng train, sa bintana, headrests at carpets.
Para sa limitadong oras lamang, sa 1st car ng train ay may tinatawag na “Hello! Plaza”, ito ay isang tindahan na may mga souvenir at specialized products, habang sa 2nd car ng train ay maaaring magpose kasama ng isang life sized Hello Kitty statue na nakasuot ng uniporme ng train operator. Nagpaplano din ang kumpanya na magbukas ng Hello Kitty cafe at shop sa Hakata station ng Fukuoka para isama sa paglunsad.
“Gusto namin ang mga Hapon at mga taga ibang bansa na tamasain ang mga shinkansen,” sinabi ng JR West sales director na si Takehiro Zai, na tumutukoy sa Japan network ng regional high-speed trains, ayon sa Japan Times.
Source: Sankei News
Join the Conversation