Suspek sa pamamaril sa Toyama Prefecture, pinaniniwalaang ang baril ang puntiryang nakawin

Suspek sa pamamaril at pag-patay sa 2 katao, dating miyembro ng militar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ex-military suspek sa pag-patay sa 2 katao sa Toyama Prefecture.

Ayon sa mga pulis, ang lalaking nasa kustodiya nila dahil sa pag-patay sa 2 katao sa Toyama Prefecture sa central Japan ay may dalang kutsilyo nuong pumasok sa loob ng Police Box. Hinihinalang ang baril ng pulis ang balak nakawin ng suspek.

Inaresto nuong Martes sa Toyama City ang suspek na si Keita Shimazu, 21 taong gulang, part-time worker at dating miyembro ng Self-Defense Forces.

Ani ng mga pulis, mayroong patalim sa magka-bilaang kamay ang suspek nuong kumatok sa pintuan sa likod ng Police Box. Pinag-sasaksak umano ng suspek ang 46 anyos na police officer na si Kenichi Inaizumi at saka ninakaw ang baril ng biktima. Nag-tamo ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima.

Sumunod na pinuntahan ng suspek ang paaralang elementarya na malapit sa nasabing lugar at binaril at napatay ang 68 anyos na security guard ng paaralan na si Shinichi Nakamura.

Nagkaroon ng komusyon sa loob ng paaralan sa pagitan ng suspek at mga kapulisan na nauwi sa pagkaka-baril kay Shimazu. Agad na isinugod sa pagamutan ang suspek. Ayon sa mga pulis, ang susoek ay may ulirat ngunit nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinasalang natamo nito mula sa pagkaka-baril sa kanya.

Nakuha rin mg mga awtoridad ang ninakaw na baril at mga patalim ng suspek sa gate ng nasabing paaralan.

Source: NHK World

Image: Kyodo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund