Survey: 308 na mag-aaral sa paaralan ng Chiba Pref. nakaranas ng ‘sexual harassment’ sa mga teacher

Ayon sa survey, ang 308 na estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Chiba Prefecture ay nakaranas sa kanilang mga guro ng salita o mga aksyon na masasabing isang porma ng "sexual harassment".

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA – Ang board of education ng prefecture ay naglabas ng mga resulta ng survey na nagpapakita na ang 308 na estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Chiba Prefecture ay nakaranas sa kanilang mga guro ng salita o mga aksyon na masasabing isang porma ng “sexual harassment”

Ayon sa survey na isinagawa ng Chiba Prefectural Board of Education sa 2017 academic year, ang 153 na mga estudyante sa high school ay nagreklamo ng sexual harassment ng mga guro, dalawa mula sa naunang akademikong taon, na sinusundan ng 85 na estudyante ng junior high school, 56 na mga estudyante sa elementarya at 14 na estudyanyeng may special needs (walong taon).

Image: Wikimedia

Kasama sa karaniwang mga sagot ng mga estudyante ay nakakaramdam sila ng pagkailang sa mga aksyon na ginagawa ng teacher tulad ng: pagpasok sa classroom na nagsisislbing bihisan ng mga estudyante pagkatapos ng physical education; harapan pinupuna ng guro ang pananamit nila; nakita nila na may mga guro na humahawak sa mga katawan ng mga estudyante sa mga aktibidad ng club; ang mga partikular na guro ay nakikipag-usap sa kanila tungkol sa mga sekswal na topic; Tinititigan ng mga guro ang mga dibdib at legs ng mga estudyante tuwing oras ng P.E. ; at mga guro ay nagkokomento tungkol sa mga hugis ng katawan ng mga estudyante.

Ang survey, na isinagawa sa pagitan ng Disyembre 1, 2017, at Enero 31 sa taong ito, ay sumasaklaw sa halos 496,000 mag-aaral sa 1,165 mga paaralang pampubliko elementarya, junior high, senior at special needs school sa prefecture maliban sa lungsod ng Chiba. Ang mga sagot ay tinipon mula sa halos lahat ng mga estudyante.

Source: Mainichi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund