Second job, dati ay bihira sa Japan ngunit ngayon ay tila nagbago na ang saloobin tungkol sa trabaho

Ang mga manggagawa na tulad ni Hasegawa ay nag-sign up para magkaroon ng pangalawang trabaho sa kabila ng tumaas na bilang ng mga taong nagnanais kumita ng dagdag na salapi. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Si Kazuhiro Hasegawa ay nagmamaneho ng taxi sa Tokyo sa loob ng tatlong taon. Ito ay isang trabaho na tinatangkilik niya, sa kabila ng 18 oras na shift.

Ngunit kamakailan lamang, sinabi niya na hindi na sapat ang kinikita upang mabuhay.

Ang ¥ 4.5 milyon sa ¥ 4.8 milyon na kinikita sa isang taon mula sa kanyang pangunahing trabaho ay malayo sa kung ano ang kailangan niya upang masakop ang bayarin sa mortgage ng bahay at unibersidad ng kanyang anak, sinabi niya.

“Wala akong choice kundi magkaroon ng dalawang trabaho, dahil ang (aking) kita ay hindi stable,” sabi ni Hasegawa, 51, na nakakakuha ng ilang libong yen sa isang buwan mula sa kanyang pag-edit ng mga video para sa mga negosyo. “Walang pahinga. Sinisikap kong maiwasan ang pagiging kulang sa tulog, dahil ito ay magiging sanhi ng aksidente sa pagmamaneho ng taxi. ”

Ang mga manggagawa na tulad ni Hasegawa ay nag-sign up para sa pangalawang trabaho sa tumaas na bilang ng mga taong nagnanais kumita ng dagdag na salapi.

Si Masaki Shimizu, may-ari ng isang hedgehog cafe na nagtatrabahoi din sa IT firm En Factory(Reuters)

Ang higit na inaalala lamang ng Japan sa ganitong pagbabago ay ang pagkakaroon ng posibilidad na ma-over ang mga tao at maging sanhi ito ng malaking problema na katulad ng kinakaharap ngayon ng manggagawa sa Japan.

Ang tinatawag na “Karoshi” ay death by overwork, na naging kontrobersyal kamakailan dahil sa sobrang demand ng kumpanya sa kanilang mga empleyado.

Gusto din ng mga kumpanya na manatiling bigyan ng mga empleyado ng full performance ang kanilang pangunahing trabaho.

Source: Japan Times

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund