Sa Hulyo ay sisimulan ng kilalanin ng Osaka ang mga LGBT Couples

LGBT relationship, aprobado na sa ilang mga munisipalidad sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspSa Hulyo ay sisimulan ng kilalanin ng Osaka ang mga LGBT Couples
Ang Osaka ang ika-8 lungsod na kikilalanin ang relasyon ng mga LGBT couples.

Nuong Miyerkules, nag-sabi ang Lungsod ng Osaka na ito ay mag-iissue ng card sa Hulyo para sa mga Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender couples bilang patunay na ito ay may basbas ng awtoridad ng lungsod.

Ang western Japanese city ay magiging ika-8 munisipalidad sa Japan na tatanggapin ang partnership ng sexual minorities. Sa ika-9 ng Hulyo, ito ay tatanggapin na ng nasabing lungsod kahit hindi aprobado sa bansa ang same sex marriage.

Naka-saad sa nasabing plano na ang isang magkasintahan ay maaaring mag-apply ng recognition kung sila ay naninirahan o may plano na lumipat sa nasabing lungsod.

Ayon sa isang opisyales, ang lungsod ay mag-bibigay daan upang makapanirahan ang mga ito sa mga regular na paupahan. Hinihikayat rin ng lungsod na bigyang konsiderasyon ang mga ito upang maka-pamuhay ng normal tulad ng ibang mga pamilya.

Ang Shibuya at Setagawa Ward sa Tokyo ang kauna-unahang lokal na pamahalaan ang nag-recognize ng ganitong partnership nuong taong 2015. Sumunod naman dito ang lungsod ng Iga, Takarazuka, Naha, Sapporo at Fukuoka.

Source: Japan Today

Image: Nikkei Asian Review

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund