Pinili ng Coca-Cola Japan ang Kyushu na ilunsad ang unang alcoholic beverage nito, na magde-debut sa Lunes ng isang fizzy drink na lemon flavored na tinatawag na Lemon-Do na nagsisikap na mapakinabangan dahil sa lumalawak na popularidad ng chūhai.
Kahit na ang U.S. firm ay may negosyo sa paggawa ng wine noong pang 1970, ang eksperimentong ito ay “natatangi” sa 125-taong kasaysayan ng kumpanya, sinabi ng Pangulo ng Coca-Cola Japan na si Jorge Garduno.
Tatlong bagong Lemon-Do na inumin, na naglalaman ng 3, 5 at 7 na porsiyentong alak, ay availablena ngayon sa Kyushu.
Ang isang 350-milliliter ay magkakahalaga ng ¥ 150.
“Ito ay isang pilot na proyekto sa rehiyon, na may isang malaking merkado,” sinabi Masaki Iida, isang tagapagsalita para sa Coca-Cola Japan Co. Ltd.
Tumanggi siyang ipakita ang eksaktong spirit sa inumin, dahil ang recipe ay isang mahigpit na sekreto.
Nakuha ng mga developer ng produkto ng Coca-Cola ang ideya pagkatapos ng pagbisita sa mga Japanese-style izakaya pub, kung saan natuklasan nila na ang mga inumin na lemon ay napakapopular, ayon sa website ng kompanya.
Source: Japan Times
Join the Conversation