Pilipino, nahuling nagnakaw ng wallet ng estudyante sa Tokyo train station

Isang Pilipino ang naaresto noong nakaraang linggo dahil sa pagnakaw ng wallet ng pasahero sa Yamanote Line sa Tokyo. (Sankei Shinbun)

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang Pilipino ang naaresto noong nakaraang linggo dahil sa pagnakaw ng wallet ng pasahero sa Yamanote Line sa Tokyo.

Ang suspect ay kinilalang si ゴメラ・フェブノンス・シヌグブハン 39 taong gulang, isang clean up aid ng Tokyo Setogawa ward.

Ang 39-anyos na lalaki, na nagtatrabaho bilang isang basurero, ay pinaniniwalaang nagnakaw ng isang wallet mula sa bag ng isang babaeng estudyante sa kolehiyo noong Martes, Mayo 29, iniulat ni Sankei Shimbun. Ang wallet ay iniulat na naglalaman ng 26,000 yen (P12,000) at isang bank card.

Image bank

Nangyari ang insidente noong Martes bandang 0:45 ng madaling araw. Pinaghinalaan ang lalaki nang makita siyang nakaupo malapit sa biktima sa karwahe ng tren. Naganap ang pagnanakaw habang ang tren ay huminto sa Shin Okubo Station.

Agad na nagsumbong ang babae sa mga opisyal ng station sa nangyaring pagnanakaw at doon na inimbestigahan ang suspect.

Inamin niya ang bintang sa kanya, at sinabi nya sa Tokyo Metropolitan Police na siya ay “nangangailangan ng pera,” ayon sa isang Tokyo reporter.

Source: Sankei Shinbun

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund