Sunod-sunod ang ulat na natanggap tungkol sa whale sighting sa Tokyo Bay mula pa nuong Linggo.
Naka-tanggap ng ulat ang Coast Guard sa Tokyo na mayroong namataang balyena sa pampang ng Tokyo Bay bandang alas-9:00 ng umaga na may 3 km ang layo sa silangang bahagi ng Haneda Airport sa Tokyo at nuong Linggo, bandang alas-3:00 ng hapon sa may off-shore Parking area na may 6 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Tokyo Aqua Line Highway.
Ang video footage ay nakuhaan ng isang namamangka pasado alas-2:00 ng hapon. Nakita umano nito sa tubig ang hugis na parang balyena at ang caudal fin o palikpik ng balyena. Sinabi ng namamangka sa NHK na siya ay na gulat na makikita niya ang nasabing nilalang matapos narinig ang balita ukol dito.
Marami-rami nang ulat tungkol sa whale sighting sa pampang ng Edogawa Ward at Koto Ward sa Tokyo mula pa nuong Lunes.
Malamang iisang balyena lamang ang tinutukoy ng mga naitalang ulat. Nananawagan ang Coastal Guard na mag-ingat ang mga bumabyaheng vessel upang hindi mapinsala ang nasabing nilalang.
Source: NHK World
Image: ANN News
Join the Conversation