Pasado sa Japanese Lower Court ang Anti-Smoking Bill

Anti-smoking bill sa mga pampublikong lugar at mga opisina ipatutupad na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Anti-smoking bill pasado sa Japanese Lower Court.

Inaprubahan ng Japanese Lower Court ang anti-smoking bill nuong Martes, upang mag-bigay daan para sa pagpapa-tibay at pagpapa-tupad sa darating na 2020 Tokyo Olympics at Paralympics.

Ang panukala upang baguhin ang batas sa pag-promote ng kalusugan, na ipag-bawal ang paninigarilyo sa loob ng mga paaralan, ospital at pampublikong institusyon, ang lumabag sa batas na ito ay maaring maharap sa pag-mumulta. Isa ang bansang Japan na ini-rate ng World Health Organization na hindi maayos ang patakaran sa pag-control sa tabako.

Ngunit ang nasabing bagong panukala ay nagkaroon ng kontrobersiya dahil ang pamahalaan ay pina-gaan o pina-dali ang requirements upang ma-exempt ang indoor smoking restriction sa mga kainan. Ito ay salungat sa kagustuhan ng Liberal Democratic Party kung saan ang ilang miyembro ay may kaugnayan sa industriya ng tabako at mga kainan.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang paninigarilyo ay ipinag-babawal sa loob ng isang kainan, opisina at mga hotel. Ang mga ito ay maaaring gumawa ng isang espesyal na kwarto o silid kung saan maaaring maka-panigarilyo. Walang pagkain o inumin na maaaring i-serve sa loob ng nasabing silid.

Ang mga kainan na mayroong sukat na 100 square meter na maaaring ma-okupahan ng mga kostumer at mayroong kapital na mahigit 5 milyon ay maaaring ma-exempt sa smoking ban. Hindi na rin nila kailangan na gumawa ng pribadong silid na panigarilyohan. Kailangan lamang nilang mag-paskil ng karatula sa labas ng kanilang gusali na ito ay smoking area.

Ang bagong panukalang batas ay nag-babawal rin ang pag-gamit ng “heat not burn” tabacco products. Kinakailangan na gumawa ng espesyal na silid pang-sigarilyuhan ang isang kainan kung nais manigarilyo ng kostomer habang kumakain.

Ang pamahalaan at ang nag-haing partido ay nais na isulong ang nasabing batas sa higher court upang maisa-katuparan sa Abril, taong 2020.

Source and image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund