MIYAZAKI, Japan (Kyodo) – Ang Mt. Shimmoe sa timog-kanluran ng Japan na isla ng Kyushu ay muling sumabog noong Miyerkules kasunod ng isang katulad na pagsabog noong Biyernes, sinabi ng Japan Meteorological Agency.
Ang 1,421-meter volcano na sumasakop sa Kagoshima at Miyazaki Prefectures ay sumabog bandang 3:34 p.m., naglabas ng abo at usok hanggang 2,200 metro, ayon sa weather agency.
Nagbabala ang ahensya sa panganib ng mga bumabagsak na bato sa loob ng 3 kilometro mula sa bunganga ng bulkan, at ng isang pyroclastic flow sa loob ng 2 kilometro.
Pinananatili ng ahensiya ang alertong antas 3 sa isang scale na 5 na naghihigpit sa pag-access sa bulkan.
Ang bundok, isa sa mga 50 volcanos sa Japan ay nasa ilalim ng patuloy na pagmamanman at nanatiling aktibo kamakailan, sumabog din ito noong Abril at Marso.
Ang pagsabog noong Marso 6 ay ang unang pagsabog sa pitong taon.
Source: Mainichi Shimbun
Join the Conversation