Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang bulkang Mt. Shinmoe sa southwestern Japan ay muling nag-erupt nuong Biyernes. Maaalala na ito ay pumutok nuong ika-5 ng Abril ng kasalukuyang taon.
Ayon pa sa nasabing ahensya, ang bulkan na may taas na 1,421 meter sa pagitan ng mga Prepektura ng Kagoshima at Miyazaki ay nag-erupt ng bandang alas-9:09 ng umaga. Ito ay nag-buga ng abo at usok na umabot sa taas na 2,600 metro kasama rin dito ang nag-lalakihang volcanic rock na umabot sa layong 1.1 kilometers mula sa crater.
Ayon sa lokal na pamahalaan, wala naman na-iulat na napinsala o nasirang mga kabahayan dahil sa naturang pag-sabog. Hindi rin naging hadlang ito para sa mga flights papunta at palabas ng paliparan ng Miyazaki at Kagoshima prefectures.
Ini-lagay ng Weather Agency sa level 3 mula sa scale ng 5 ang nasabing lugar. Walang sinu man ang maaaring pumunta malapit sa bulkan.
Nag-lagay din sila ng babala tungkol sa mga lumilipad na bato mula sa bulkan sa lugar na may 3 km ang layo mula sa crater at lahar sa loob ng 2 km radius.
Ang nasabing bundok ay isang aktibong bulkan. Una itong nag-erupt nuong ika-6 ng Marso, kauna-unahang pag-putok sa loob ng 7 taon. Mahigit 100 volcanic earthquake na ang naita-tala sa pagitan lamang ng Linggo at Martes.
Sa kasalukuyan, ang nasabing bulkan ay isa sa 50 bulkan na mino-monitor ng maigi ng bansang Japan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation