Ang mga lumang bahay sa Japan ay ire-renovate upang gawing pansamantalang tutuluyan ng mga dayuhang turista.
Ang HomeAway, isang U.S tourist accomodation website ay ikino-convert ang mga traditional japanese house para matuluyan ng pansamantala ng mga travellers.
Mayroong bagong batas sa Japan ang ilalabas ngayong ika-15 ng Hunyo na pumapayag na pa-upahan sa mga turista ang mga bakanteng kwarto at bahay sa pamamagitan ng pag-gamit o pagpapa-rehistro sa lokal na awtoridad.
Ipinapa-ayos ng pamahalaan ng lungsod ng Ukiha sa Fukuoka Prefecture, southwestern Japan ang isang 150 taong gulang na bahay upang paupahan sa mga dayuhang turista. Target rin Renovation Project ang mga row houses at mga bakanteng gusali.
Ang mga opisyales ng nasabing lungsod at ang Japan Tourism Agency ay umaasa na lumago at at umabot sa mga karatig lugar at buong bansa ang layunin ng bagong batas.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation