Manga na tungkol sa PH hero na si Jose Rizal ire-release sa internet

Sa isang press release ng publisher na TORICO, na-inspire silang gawin ang manga dahil sa Jose Rizal statue na matatagpuan sa Hibiya Park, Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang buhay ng Philippine national hero na si Jose Rizal ay kilala ng bawat Pilino, salamat sa madaming textbooks na naka-dedicate para dito. Ngayon, magkakaroon na din ng Japanese manga treatment na mas makakapagbigay interes sa mga kabataan na hindi interesadong malaman ang kwento ng buhay ni Jose Rizal. Ito ay ire-release sa June 19, just in time para sa 157th anniversary ng kaarawan ni Rizal.

Photo via Creative Connections & Commons Inc. Facebook page.

Ang comic book ay unang inanunsyo ng Davao-based Japanese translation company na Creative Connections & Commons Inc. (CCC) noong Friday sa isang Facebook post na may caption na: “FOR THE FIRST TIME IN JAPAN! The world of Japanese comics pays homage to the quintessential Filipino, Jose Rizal! Coming soon.”

Ang art ay ginawa ni Ryo Konno habang ang istorya naman ay isinulat ni Takahiro Matsui. Ang CCC ay in-charge sa pag-translate ng texts sa English. Iniulat din ng CNN Philippines na baka maitranslate din ito sa tagalog. 

Sa isang press release ng publisher na TORICO, na-inspire silang gawin ang manga dahil sa Jose Rizal statue na matatagpuan sa Hibiya Park, Tokyo.

“I began to wonder why a bronze statue of a Filipino was in Japan,” Takuro Ando, a representative from TORICO said.

“More than anything, I believe that he would be a good subject to let Filipinos and people all over the world see the appeal of manga and thus had the story told in manga form.”

According to The Philippine Star, ang manga ay mahahati sa 10 volumes na ire-release ng libre kada martes hanggang Aug. 28.

Ito ay available sa English at Japanese sa manga.club at Japanese sa sukima.me.

Bukod sa pagiging pambansang bayani ng Pilipinas, si Rizal ay isang doktor at nobelista. Ipinagdiriwang siya dahil sa pakikipaglaban sa mga mapang-api na mananakop na Espanyol sa pamamagitan ng di-marahas na paraan. Gayunpaman, si Rizal ay inexicute pa rin ng mga Kastila para sa krimen ng paghihimagsik pagkatapos ng kanyang mga sinulat na naging bahagi ng inspirasyon ng Philippine Revolution.

Source: Coconuts Manila

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund