Lugar ng kapanganakan ng mga sasakyan ng Toyota bubuksan sa publiko sa Aichi ngayong Hulyo

Ang isang silid na may proteksyon sa lindol ang maaaring pasukin ng mga bisita at titignan sa isang glass panel ang loob ng factory. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KARIYA, Prepektura ng Aichi – Naligtas mula sa demolisyon, isang pabrika na gawa sa kahoy kung saan itinayo ng tagapagtatag ng Toyota Motor Corp na si Kiichiro Toyoda ang kanyang unang prototype na kotseng pangpasahero noong 1935, ay bubuksan sa publiko sa Hulyo 18.

Photo courtesy: Asahi Shimbun

Ito ay magiging bahagi ng Prototype Plant sa Establishment of Toyota, isang annex ng Toyota Commemorative Museum of Industry and Technology.

Kahit na ang pangunahing museo ay matatagpuan sa Nagoya, ang annex ay nasa lugar ng Kariya Plant ng Aichi Steel Corp, timog-silangan ng Nagoya. Ang Aichi Steel ay naging bahagi ng automaker hanggang 1940.

Nagplano ang steelmaker na itumba ang mga gusali sa alalahanin tungkol sa resistant ng lugar sa mga lindol.

Subalit hiniling ng Toyota Motor ang conservation ng building bilang “origins of the business establishment .”

Ipinanumbalik ng automaker ang mga gusali habang pinapanatili ang kanilang orihinal na hitsura.

Ang isang silid na may proteksyon sa lindol ang maaaring pasukin ng mga bisita at titignan sa isang glass panel ang loob ng factory.

Libre ang admission, ngunit 300 na bisita lamang bawat araw ang tatanggapin sa planta ng prototype, at kinakailangan na magpa-reserba.

Source: Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund