Libreng pahiram na payong sa mga vending machine upang magamit kapag biglaang umulan

Payong na maaaring gamitin ng libre sa oras ng emergency.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Free rental umbrella service hatid ng DyDo Drinco vending machines.

Isang free umbrella renting service ng isang kumpanya ng vending machine ang ipinalalaganap sa buong bansa upang maka-tulong sa mga mamamayan kapag biglaang umulan.

Ang rental umbrella project ng DyDo Drinco Inc. na nag-simula nuong 2015 sa Osaka ay lumaganap na sa Prepektura ng Nagano, Fukuoka, Yamanishi at Niigata simula nuong buwan mg Mayo hanggang Hunyo.

Mahigit 500 vending machine sa 16 na Prepektura ang mayroon nang ganitong serbisyo. Ito man ay residential o business area. Ang bawat machine ay may naka-lagay na 7 payong sa gilid.

Halos kalahati ng bilang ng kabuoan ng payong ay mula sa mga naiwan sa loob ng tren o sa istasyon ng tren. Ito ay binigay o donation ng mga pribadong Railway Company tulad ng East Japan Railway Co o JR East at West Japan Railway Co. o JR West.

May naka-lagay na logo sticker ng DyDo Drinco ang lahat ng hawakan ng payong na kanilang ipina-hihiram, ito ay mag-sisilbi bilang palatandaan na ito ay ipinahihiram lamang.

Ang mga vending machine na ito ay walang anti-theft equipment, kung-kaya’t ang kumpanya ay nakiki-usap sa mga nang-hihiram na ibalik ang mga payong na hiniram upang marami pa ang maka-gamit sa oras ng emerhensiya.

Ayon sa DyDo Drinco, mahigit 70% ang nag-babalik ng hiniram na payong a Kansai area.

Mayroong mahigit 280,000 na vending machine na naka-install sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa, ito ay higit na 80% na benta nila sa  kanilang produkto sa loob ng bansa.

Ayon sa Japan Vending System Manufacturers Association, sa kasalukuyan, matumal ang bentahan nang inumin sa mga vending machine.

Kahit na hindi kina-kailangan na bumili ng inumin sa vending machine, maaari namang gamitin ang payong kapag kinakailangan.  Ngunit hinihikaya’t ng kumpanya na tangkilikin ang kanilang produkto bilang pasasalamat sa kanilang ibini-bigay nilang serbisyo.

Source and Image: The Asahi Shimbun News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund