Lalaking inakalang patay na, umuwi sa kanilang bahay 1taon bago nagkamaling i-cremate

Nawala ang lalaki mula sa kanyang bahay sa Matsudo, Chiba Prefecture, noong nakaraang taon. Ang kanyang pamilya ay nag-file ng missing person's case.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO: Isang tao na nasa kanyang edad na 40, na iniulat na nawawala noong nakaraang taon, at pagkaraan ay “natagpuan,” at nakumpirma na patay ng pulisya at ng kanyang pamilya na nag-cremate sa kanya. Laking gulat ng kanyang pamilya noong bumalik siya sa kailang bahay na buhay.

Source: wikimedia

Ayon sa mga ulat ng pulisya, nawala ang lalaki mula sa kanyang bahay sa Matsudo, Chiba Prefecture, noong nakaraang taon. Ang kanyang pamilya ay nag-file ng missing person’s case.

Noong Hunyo 21, 2017, natagpuan ng pulis ang isang taong walang malay sa Edo River sa Katsushika Ward ng Tokyo. Magkaparehas ng mukha at katawan na iniulat ng pamilya na siya nga ang bangkay.

Kasunod ng kagulat-gulat na pagbabalik ng lalaki, ang kanyang asawa, na unang nagsampa ng ulat ng nawawalang tao at personal na nakilala ang lalaki na patay, agad a tumawag sa police at sinabi na nakabalik na ang kanyang asawa.

Bilang tugon, inilunsad ng pulisya ang isang pagsisiyasat, na tinutukoy na ang lalaking natagpuan sa ilog ay isa pang nawawalang tao, isang residente ng Tokyo na nasa kanyang 30s. Ang kanyang pamilya ay nag-file din ng nawawalang tao.

Ayon sa pulisya, sa mga kaso kapag kinumpirma ng pamilya ng isang namatay ang pagkakakilanlan, ang karagdagang pagsisiyasat, kabilang ang pagtutugma ng DNA at fingerprint, ay hindi karaniwang isinasagawa.

Ang mga kinatawan ng pulisya ay nagbigay ng isang pahayag kasunod ng pangyayari, na nagsasabi na nais nilang gamitin ang kasong ito bilang isang aral upang maiwasan ang mga katulad na insidente.

Source: Mainichi shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund