Sila ang tinaguriang mga bagong bayani. Nakabihis ng tradisyunal na kimono at naglalakad sila sa mga kalye ng Japan. Kapag nakakakita sila ng basura ay pinupulot nila at inilalagay sa isang basket na daladala ng isa sa kanila.
Ang mga ito ay tinatawag na Isse Ichidai Jidaigumi. Orihinal na mula sa Hokkaido, ang grupo ay mayroon ding isang branch group sa Tokyo. Kumakanta sila sa mga event, sumasayaw, sword show at naglalakad sa kalye upang mamulot ng basura.
Nakakatawag ng pansin ang grupo dahil bukod sa naka costume ito ng tradisyunal na pananamit, at nagpo-pose ito na prang isang mandirigma habang namumulot ng basura sa mga kaly at sa kasalukyan ay sumisikat sila sa mga social media.
Ang branch group ng Hokkaido ay naglabas din ng isang CD na may pamagat na “Trash Time”.
Source: kotaku
Join the Conversation