Japanese “Don Juan” natagpuang patay

Isang mayamang hapon, namatay dahil sa intoxication ng ipinag-babawal na gamot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Natagpuan patay ang isang hapones dahil sa intoxication sa Wakayama Prefecture.

Iniimbestigahan ng mga pulis ang pagka-matay ng isang mayamang lalaki sa Wakayama Prefecture sa western Japan.

Nakitang wala ng malay si Kosuke Nozaki sa kanyang tahanan nuong nakaraang buwan at kalaunan ay binawian na ng buhay.

Sinabi ng mga pulis na ang biktima, 77 taing gulang ay namatay dahil sa Acute Stimulant Drug Intoxication. Dinagdag pa nila na ito ay ipina-alam na sa kanyang 20 anyos na asawa. Ang anunsyo ay ginawa sa kasagsagan ng extensive television coverage ng pagka-matay ng lalaki.

Ayon sa imbestigador, nakitaan nila ng mataas na bilang ng narcotics ang dugo at tiyan ng biktima, ngunit wala namang trace ng karayom sa katawan nito.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay hindi nag-iwan ng suicide note. Sinusuri nila kung paano napunta sa loob ng katawan ng biktima ang drugs, pati ang posibleng angulo ng murder.

Si Nozaki ay kilala bilang “Don Juan ng Kishu”, sa kanyang mga published memoirs, ani niya siya ay nakapag-bigay na ng mahigit 3 billion yen o 27 million dollars sa 4,000 nag-gagandahang babae. Ang Kishu ay ang lumang tawag sa Wakayama at iba pang karatig lugar nito.

Source: NHK World

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund