Magsasa-gawa ng isang imbestigasyon ang mga awtoridad sa isang papular na pasyalan sa Nara kung saan makaka-kita ng maraming usa, mayroon umanong isang usa na pinana sa leeg gamit ang isang improvised paper dart.
Maliit na pinsala lamang ang tinamo ng 4 na taong gulang na usa na may bigat na 36 kg. agad na dinala ang usa sa isang protection group.
Ayon sa Nara Prefectural Government, ang usa ay nakita nuong Miyerkules malapit sa Kasuga Taisha Shrine sa Nara Park na may naka-tusok na improvised paper dart sa kanyang leeg.
Ang pasyalan sa lungsod ay nag-sisilbing tirahan sa mahigit na 1,500 na usa at ito ay patuloy na humahatak ng attensyon ng mga dayuhang bumibisita sa bansa.
Ang usa ay pina-niniwalaang mensahero ng mga diyos nung panahon ng Shinto, sila ay tinuturing na “Natural na Monumento”, maaring magkaroon ng penalty ang sino mang manakit at gumawa ng pinsala sa mga ito dahil ito ay labag sa batas ukol sa pangangalaga ng pag-aari ng kultura ng bansa.
Ayon sa isang opisyal sa Nara, ang usa ay nasa mabuti ng kalagayan, matapos malapatan ng lunas ng ” Pundasyon ng pangangalaga sa mga usa.” Sa lungsod ng Nara.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation