Inaresto ng Kitakami pulis ng Iwate Prefecture ang isang 25 anyos na lalaki dahil sa pagka-matay ng 21 buwan na anak nito nuong Abril dahil pagka-gutom.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Ken Takadate, isang karpentero, ay hindi binigyan nang sapat na pag-kain ang kanyang panganay na anak nuong mga nakalipas na mga araw, ayon sa ulat ng Sankei Shinbun. Isang awtopsiya ang isinagawa sa labi ng bata at nadiskubre na ang dahilan ng pagka-matay ng bata ay dahil sa matinding malnutrisyon at pagka-uhaw. Ang bata ay 8 kilo lamang ang timbang.
Matapos makipag-hiwalay sa asawa nitong taon lamang, si Takadate at ang kanyang anak ay nanirahan ng solo. Nitong linggo, ika-8 ng Abril iniwan ni Takadate ang bata sa bahay at lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan. Pag-uwi niya nang umaga, napansin niyang hindi na gumagalaw ang bata at walang malay, agad tumawag ito ng 119.
Agad na dinala ito sa pagamutan, ngunit ito ay idiniklara ng walang buhay. Tinawag agad ng pamunuan ng ospital sa mga pulis na ang dahilan ng pagka-matay ng bata ay posibleng child abuse.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation