Isang grupo ang humihiling ng ‘Easy Japanese’ para sa mga railway announcements

Ang language classroom business association na "Nihongo no Kai" ay nanawagan na gawing madali ang mga anunsyo sa mga tren upang mas madaling maunawaan ng mga foreigners.(Mainichi)

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Bilang pagsasaalang-alang ng municipal government at iba pang mga organisasyon kung paano makakapaghatid ng impormasyon tungkol sa emerhensiya sa mga dayuhan gamit ang “Easy Japanese,” ang language classroom business association na “Nihongo no Kai” ay nanawagan na gawing madali ang mga anunsyo sa mga tren upang mas madaling maunawaan ng mga foreigners.

Ang asosasyon ay nagsagawa ng isang pagsisiyasat sa mga announcement na ginagawa sa mga train station sa mas malawak na lugar ng metropolitan ng Tokyo at natuklasan na marami ang gumagamit ng mahahabang sentencence na may mahihirap maunawaan na mga vocabulary.

Photo courtesy: Mainichi Jp

Ayon sa resulta ng test na isinagawa kasama ang mga dayuhang estudyante ng Japanese na nag aaral ng 6 na buwan, ang naiintindihan nila sa anunsyo ay ang maiikli na sentence tulad “the next station is…” at “the door will open on the left”. Ngunit ang mga pang emergency na anunsyo ay hindi nila maintindihan.

Ang iba pang anunsyo na may mahahabang sentence ay hindi maintindihan ng mga estudyante dahil sa ginagamitan ito ng pinaka polite term ng Japanese na hindi kadalasang ginagamit sa normal na pagsasalita ng mga Japanese.

Sa kabila ng mga alalahanin tungkol sa pagdagsa sa bilang ng mga dayuhang turista pagdating ng 2020 sa Olympic at Paralymic Games ng Tokyo, sinabi ng opisyal ng Nihongo no Kai na, “Sana habang mas maaga ay gumawa ng mga hakbang lalo na sa pagdagsa ng mga dayuhan sa darating na panahon, na baguhin ang sistema katulad ng paggamit ng mga madadaling salita, maiikling sentences, at pagbawas ng mga napaka-polite terms na nagpapahaba lamang sa sentences at mas bigyan emphasis ang mga importanteng points na dapat iparating sa mga nakikinig”.

Source: Mainichi Jp

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund