Sa plano ng Japan upang buksan ang kanilang work market para sa 500,000 banyagang manggagawa hanggang sa 2025, ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ngayon ay naglalatag ng work foundation upang maprotektahan ang mga Filipino migrant worker laban sa mga walang prinsipyong mga grupo at mga indibidwal na mapansamantala sa inaasahang pagtaas ng demand sa manggagawa sa Japan.
Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras, ang bagong itinalagang cluster head in-charge para sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), siya ngayon ay nag coordinate kasama ang pangulo ng dalawang mga attached agencies ng DOLE para sa pag-craft ng mga patnubay kaugnay sa mga kinakailangan para sa pag-deploy ng mga dayuhang manggagawa sa Japan.
Bahagi ng mga alituntunin ay ang accreditation ng mga awtorisadong language school upang maiwasan ang mga manggagawang Pilipino na maging biktima ng run-of-the mill Japanese language school.
“Ang kaalaman sa pagsalita ng wikang Hapon ay isa sa mga kinakailangang requirements upang maging kuwalipikado para sa trabaho sa Japan. Iyon ay isang lugar kung saan natin dapat pagtuonan ng pansin upang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa mga bogus na language school,” sinabi ni Paras sa Manila Times.
Ang recruitment at ang migration expert na si Emmanuel Geslani ay nagsagawa din ng parehong pagmamasid, at nag bigay babala sa Filipino migrant workers upang mag-ingat sa pagenroll sa ilang mga bogus na language center na walang kakayahang bigyan sila ng trabaho pagkatapos ng kanilang napaka-mahal na kurso sa wikang Nihongo.
Iniulat ng Channel News Asia na may plano ang Japan na luwagan ang napaka-higpit na imigrasyon at bigyan ang mas maraming mga banyagang manggagawa upang matugunan ang isang malubhang shortages ng workers dahil sa lumiliit na populasyon.
Ang gobyerno ng Japan ay nagmungkahi ng isang bagong katayuan sa visa na magpapahintulot sa higit pang mga manggagawa sa ibang bansa na punan ang mga pangangailangan sa pagtatrabaho sa mga partikular na sektor.
Source: Manila Times
Join the Conversation