Ang mga ka-pulisan sa Fukuoka ay gumagamit ng camera equipped helicopter upang mai-tala ang registered plates ng mga kotse at iba pang mga datos upang ma-aresto ang driver kung ito ay nag-tailgate o bag-reckless driving.
Ang mga lungsod ng Saga, Aichi at Shizuoka ay gumagamit din ng chopper upang ma-monitor ang mga motorista. Ang pagkaka-iba lamang ay hindi tulad sa lungsod ng Fukuoka, ang mga nalikom na datos at impormasyon sa kotse ay hindi ginagamit sa pag-tukoy kung ang driver ay lumabag sa batas trapiko.
Mula nuong ika-16 ng Mayo, buong pag-sisikap ang ginawa ng kapulisan ng Fukuoka gamit ang mga helicopter upang mahuli ang mga pasaway na driver.
Ayon sa Fukuoka Police, ang mga high-sensitivity camera sa mga helicopter ay maaaring makapag-record ng license plate at datos ng lugar kung saan nangyari ang insidente sa expressway.
Ang mga nakuhang impormasyon ng sasakyan ay agad na ipina-pasa sa pinaka-malapit na high-way patrol car.
Ayon kay Yuji Takeshita, Head Deputy ng Prefectural Police Express Patrol Unit, itong aming pinaka-baging hakbang ay para masupil ang mga maling gawain sa pag-mamaneho.
“Nais ko na maging conscious ang mga motorista na sila ay naka-monitor din sa himpapawid. Ito ay upang hindi maging pasaway sa kalsada.”
Sa unang araw pa lamang ng operasyon, may namataan nang kotse na malapit magpa-takbo sa likuran ng isa pang sasakyan sa Kyushu Expressway sa Kita-Kyushu, Fukuoka Prefecture, ito ay maliwanag na pag-labag sa batas trapiko.
Plano ng mga awtoridad na magsa-gawa ng ganitong operasyon mga ilang beses sa isang buwan.
Sa pagitan ng Disyembre nuong naka-raang taon hanggang nitong Abril lamang, naka-tanggap ang patrol unit ng mahigit 160 ulat mula sa mga motorista na sila ay itiniーtailgate ng i bang motorista.
Ngunit dahil sa kawalan ng ebidensya, halos hindi ma-aresto ng mga pulis ang mga suspek pag-dating nila sa lugar ng insidente. Sa kasalukuyan, mula sa nakuhang footage sa video, maaari ng arestuhin ng mga pulis ang mga reckless driver kahit na hindi nila mismo nakita ang insidente.
Source and Image: The Asahi News
Join the Conversation