Edad ng pag-giging wastong gulang papalitan na

Pagiging legal na edad ng isang bata, papalitan ng 18 anyos na lamang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sinumite na sa Sandigang bayan ang bagong batas na pag-babago ng edad upang maging wasto ang gulang.

Inaprubahan ng DIET ng Japan ang pag-babago sa Kodigo Sibil hingil sa pag-baba ng edad upang maging wasto ang edad (adult). Sa kasalukuyan, ang wastobg edad ay 20 taong gulang. Ito ay babaguhin sa 18 taong gulang ba lamang.

Ang bagong panukalang batas ay magiging epektibo sa ika-1 ng Abril, taong 2022.

Pumasa sa Sandigang bayan ang isinumiteng bagong batas nuong Miyerkules, at ito ay sinuportahan ng Liberal Democratic Party, Komeito, Nippon Ishin Japan Innovation Party at marami pang iba.

Sa bagong legislation, ipapantay na sa edad ng mga kalalakihan ang edad ng mga kakakaihan na nais na legal na magpa- kasal. Ito ay mula 16 taong gulang hanggang 18 taong gulang.

Nagkaroon rin ng pag-babago sa ilang mga kategoryang saklaw ng bagong batas tulad ng, kapag ang isang bata ay umedad na ng 18 taong gulang, sila ay maaari ng pumirma ng kontrata sa mga credit cards at iba pang mga loans kahit walang permiso ng kanilang mga magulang.

Samantalang, ang pag-iinom ng serbesa, paninigarilyo at pag-taya sa mga legal na pasugalan tulad ng pag-taya sa karera ay hindi binago at nananatiling 20 taong gulang lamang ang legal na edad.

Ang nasabing bagong panukalang batas ay nag-bigay ng iba’t-ibang reaksyon sa mga mamamayan. Ani nila, ang mga batang ito ay maaaring ma-expose sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga kumpanya.

Upang matuunan ng pansin at mabigyan ng kasagutan ang nasabing alalahanin, ang mga mambabatas ay pumayag na resulusyonan ito sa loob ng 2 taon upang maiwasan ang consumers exploitation.

Source and Image: NHK World

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund