“Drone-brella” ng Japan, nangangakong magbibigay ng hands-free na proteksyon sa sikat ng araw

Inaasahan na ng kumpanya na ang produkto ay magagamit lamang sa isang sarado at pribadong lugar tulad ng golf courses.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO: Isang hands-free experience ang handog ng isang Japanese company na nag-develop ng isang drone-powered na payong na magho-hover sa taas ng user upang protektahan laban sa sikat ng araw.

Photo courtesy: Channel News Asia

Ang drone-powered sunshade – na dinide-develop ng Asahi Power Service – ay mailulunsad sa susunod na taon, at ang unang target na mamimili ay ang mga nangangailangan ng hands-free na pang silong na mas malaki keysa sa normal na sumbrero katulad ng mga golfers.

Ang maaaring maging problema na haharapin katulad ng pagcrash ng drone at ang mga regulasyong sa governing autonomous aircraft, ay nagkakahulugan na inaasahan na ng kumpanya na ang produkto ay magagamit lamang sa isang sarado at pribadong lugar tulad ng golf courses.

“Napagpasyahan kong gumawa nito dahil ayaw kong humawak ng payong” ayon sa company president na si Kenji Suzuki.

Ito ay may sukat na 150cm (60 inches) wide, ang parasol prototype ay may bigat na 5kg (11 pounds), at so far maaai pa lang itong makalipad ng 5 minuto sa isang full charge. Inaasahan pang mapapahaba ang fly time nito abang paunti-unting pinapagaan ang mga parts nito.

Ang mga drone ay nilagyan ng mga camera na tumutulong sa mga parasol na subaybayan ang kanilang mga may-ari at manatili sa tamang ulo.

Source: Channel News Asia

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund