Ang Japanese na astronaut na si Norishige Kanai at 2 pang kasamahan ay bumalik na sa Earth matapos ang kanilang misyon sa International Space Station.
Ang Russian Soyouz spacecraft na nag-sakay sa 3 ay lumapag na sa kalatagan ng Kazakhstan bandang alas-9:40 ng gabi nuong Linggo. Ang 2 pang kasamahan ni Kanai ay Amerikano at Ruso.
Si Kanai ay dating medical officer ng Japan Maritime Self-defense Force. Sa loob ng 6 na buwan niyang misyon, siya ay na nakapag-gawa ng iba’t-ibang eksperimento at nakapag-lakad sa outerspace sa labas ng ISS.
Ang Soyouz ay umalis ng ISS upang muling mag-lakbay pabalik sa Earth bandang ala-6:00 ng hapon.
Ito ay dahan-dahang pumasok sa atmosphere ng Earth, at nag-tuloy tuloy ng nag-landing sa isang lupain ng Central Asia.
Si Kanai ay binuhat palabas ng kanilang spacecraft. Mukha siyang pagod ngunit nakuha pang kumaway at ngumiti sa mga taong nasa paligid niya.
Inilagay ang ginoo sa isang wherl chair at dinala sa usang tent upang masuri ang kaniyang kalusugan.
Ayon sa opisyal ng JAXA o Japan Space Agency, ang kalusugan ni Kanai ay nasa mabuting lagay.
Si Kanai ay sumakay ng eroplano ng nasa sa isang paliparan ng Kazakhstan upang nag-tungo sa Johnson Space Center sa southern State of Texas kung saan siya ay mag-eensayo upang muling masanay sa gravity ng Earth.
Siya ay inaasahang bumalik ng Japan sa kalagitnaan ng Hunyo.
Source: NHK World
Image: dailymail.co.uk
Join the Conversation